Ito ang kadalasan nagiging tanong ng ating mga members, Nakarinig ka na ba nito sa grupo niyo. :)
Sa Totoo lang favorite lyrics ko na yang mga linyang yan at nakarinig na rin ako sa iba kong mga business partner... bukang bibig ko nga yan palagi noong nagsisimula palang ako sa network marketing business.

Ito ang kadalasang mga tanong ng ating members.
1. Bakit wala pa akong downline/members?
2. Upline nakakawalang gana na talaga bakit wala pang sumasali sa akin?
3. Upline bakit hindi pa ako kumikita hanggang ngayon?
4. Nakakahiya Upline mag invite dahil wala pa akong income!

Ito rin ang isang dahilan kung bakit  kadalasan na mga bagong sali palang dito sa network marketing business nahihirapan sila mapasali ang mga kaibigan nila may mga nahihiya pang mag-invite dahil sa natatakot sila sa posibleng isinasagot ng kanilang mga kaibigan o kakilala (KKK) ang ganitong sagot "KUMITA KA NA BA DYAN?" at kadalasang maririnig mo ito sa mga closed minded at mga negative at skeptic na prospect. Alam ko itong sagot dahil isa rin akong negative. Natural lang na sagot yan dahil hindi pa sila aware sa network marketing. Ang gawin mo ay e-educate muna sila.

Ito yung kadalasang isinasagot ko sa ganitong objection or question na kumita ka na ba dyan? ang sagot ko agad ay HINDI PA! Kaya nga kita gustong recruiten para kumita na ako at kung sasali ka na ngayon malaman masasagot ko na yang tanong mo. Diba? :D Biro lang friend wag mo isasagot ito.. Relax lang wag ka mahiya kung wala ka pang kinikita. Just be honest always.

Ako: Basically nagsstart palang ako sa company na ito so hindi pa malaki kinikita ko pero may alam ako na kumikita ng _______ yung tao na ito______ so kung willing aralin at gawin ang ginawa niya ay posibleng kitain mo rin ang kinikita niya. Ang tanong willing ka bang matutunan at gawin yung ginawa n‟ya?

Prospect: Oo
Sa pamamagitan ng sagot na'to maguguide mo siya sa next step na ipanood ang video presentation ng company niyo.

Gusto mo ba na talaga na magkadownline ka agad at para maraming tumingin sa opportunityna ino-offer mo?

Okey keep reading only..... I'll give you free tips. This tips can be used on offline and online.

Take Note: Bago mo simulang i-offer ang opportunity mo alamin mo muna ang sitwasyon ng kausap mo HUWAG AGAD BUSINESS huwag ka magmadali relax ka lang :)  Right Action Right Result. Ok let me tell you na marami na negative sa networking at kapag makita ng kausap mo na recruiting ang ginagawa mo imbes na mag pay attention yan eh lalayuan ka niyan kaya, give space muna, ang unang gawin mo ay magtanong. Ikaw ang magtatanong. 

1. Kumusta! ano ang trabaho mo sa ngayon o source of income? Kung may trabaho siya alamin mo kung ano sitwasyon, then tanungin mo kung ok ba ang kinikita mo. Ask mo rin kung ilan taon ka na sa trabaho mo?. ETC... Ang gagawin mo ay magbubuild ka ng Connection or Rapport sa kanya .....Pakinggan mo ang mga isinasagot niya....  

2. Ano Source of Income ng family niyo? Yung tatay o nanay? ETC..... At pakinggan mo yun mga isinasagot niya. Kung makita mong may financial problem ang kausap mo ay iparamdam mo sa kanya na sincere ka at sagutin mo na  "Natural lang yan sa atin dahil pamahal ng pamahal na talaga mga bilihin ngayon pero ang kinikita natin ay hindi tumataas". Kung hindi tayo maghahanap ng paraan o gagawa ng paraan ay mahihirapan talaga tayo o darating ang oras na tayo ay makakapos at magkakaproblema. Malamang nakaraang (5) Limang Taon problema natin pera, ngayon problema pa rin, next month problema pa rin, next year kaya problema pa ba? Ok lang ba sayo na palagi tayong may problema sa pera. (Don't forget to smile dahil ang purpose naman natin mag educate ng tao to lead them into the right path to financial freedom at ipinapa-alam mo sa kanila na ang problema sa pera ay laging andyan at may solusyon dyan.)

Prospect: Hindi

Ikaw: Ano pakiramdam ng taong may problema sa pera?  Ito pakinggan mo ang isasagot niya para may idea kung paano mo siya masasagot.

3. Dapat maramdaman niya na sincere ka na tao at maipakita mo na meron kang paraan para  masulosyunan ang problema niya financially. Dapat makita niya na kaya mo siya matulungan at may paraan kang nalalaman na matulungan mo siya.

Dapat mataas ang confidence level mo kung mag-ooffer ka ng opportunity para mapansin niya na maganda ang sinasabi mo para  mag take attention siya at makinig sayo.

4. Tanungin mo na kung may ipapakita akong paraan para masolusyunan ang problema mo financially willing ka bang maglaan ng oras na makita ito?
I'm sure na mahirap makahindi ang kausap mo dito sa ino-offer mo na solusyon sa problema niya financially. 

Dahil kung sinabi niya na busy siya at wala siyang time, sa madaling salita hindi totoo ang mga sinabi niya na willing siyang masolusyunan ang problema niya financially.

At ito na ang oras para e open mo ang opportunity mo :)

Ikaw: So I-confirm mo ulit Diba sabi mo na willing kang maglaan ng oras na tingnan ang mga paraan para masolusyunan ang problema sa pera, so kelan mo ito titingnan?

Kung magbigay siya ng Date iinform mo siya na isusulat mo sa schedule ko itong usapan natin at kung magchange plan ka iinform mo ako agad. Kung hindi mo ako ma inform ay posibleng ibigay ko itong opportunity sa iba.

Wag ka agad magbibigay ng Idea sa kanya kung anong company or website niyo dahil para naman ma step by step mo na maidedeliver ang imformation sa kanya at para mas madali niyang maintindihan ang opportunity mo.

So bago mo ibigay ang link or website mo bigyan mo siya ng instruction or condisyon na ibibigay ko ang link or website ko  sa facebook account mo kung mag-oonline ka na. Ibigay mo number mo at sabihan mo na make sure na kontakin mo ako kung magoonline ka na, reminder huwag mo kalimutan na e phonebook ang contact number niya.

At ito ang maganda sa atin dahil yung website mo na mismo ang magco-convince sa kanya at hindi mo na kelangan magexplain sa kanya, let the video will do the explaination, less effort ka na. Kung wala ka pang website mas maigi kontakin mo sponsor mo para maguide ka niya step by step kung papaano gawin ito. Madali lang ito kung gugustuhin mo :)

Take note na kung hindi siya tumupad sa usapan niyo sa madaling salita hindi siya seryoso na willing siyang masolusyunan ang problema niya financially. Ang importante professional ang approach mo at babalik sayo yan dahil maayos ang pakikitungo mo baka nabubusy lang kaya kalma lang lahat ng tao meron 99 pesos :D

Sa papamagitan ng ganitong klase ng pag-uusap niyo mas masisiguro mo na maco-close mo siya na tingnan niya ang opportunity na ino-offer mo dahil naipakita mo sa kausap mo na professional kang kausap at may paraan kang nalalaman para masolusyunan ang problema niya. At dito napakita mo na isa kang leader. Isa lang ang ang papasok sa kanyang isipan na ok itong tao kung magiging upline ko ito ay posibleng makatulong ito sa akin dahil may kaalaman ito.

"Always Remember that people join first in YOU not on Company"

 Ito naman ang advice ng mga Successful Person para ito sa mga Taong Desidido Maging Successful watch and Learn :)


Did This Blog Help You? If so, If they did please do me a favor and share them with someone who this could benefit from it. I would greatly appreciate if you Like my Facebook Page and join our Inquiry Group. I’ll be glad share my opinion, strategies and techniques in order for me to help you in some ways. Good Luck!
         Your Friend in Success,
2x2pilipinas1withsignature
               

Discover How You Can Start Creating Wealth Just by Using Facebook & The Internet Watch the Free Videos here!!!
P.S. What is your plan B mo? Click here

Share/Bookmark

0 Comments:

Comment here